Sunday, November 2, 2014

MLM SA PINAS

Sabi ng iba madali lang daw ang MLM

Sa aking pananaw itoy hindi isang madaling trabaho
Ito po ay pinag aaralan, ginagastusan at bigyan ng panahon.

Sa MLM dati na pinasukan ko at sa papasukan nyo ito lang ang sasabihin nila sa inyo -WALA SA UNA yan kung ano narating namin mararating mo rin-

Basi sa aking experience hindi naman ganon nangyayari, nag padami ako ng tao ko kahit wala akong kikitain basta dumami lang tao ko sa baba ay ok lang, gumagastos ako ng pang gasolina nag papa meryenda ako lahat ng gastos ko ay halos talo pa sa kita ko.

Pabalik-balik lang nang yayari dahil nag turo din ako kung pano ang dapat gawin kung anong ginawa ko para ganon din ang gawin nila pinag aralan lahat ng prudukto pananalita at pananamit

Pero wala din nangyari ang kumikita lang talaga eh yong nasa unahan na, wala naman yan sila ginagawa kung hindi mag pakita ng inabot nila sa MLM pero ang nag tatrabaho ay yong mga nasa baba nila.

Kaya hindi kataka-taka na maraming MLM nag labasan at ito lang ang tandaan nyo, kahit unang labas palang ng MLM o unang tayo, may mga pioner na agad sila na lalabas, na ganito siya dati ganito na siya ngayon, samantalang katatayo palang ng bagong MLM para lang pang hatak sa mga tao nila.

Wag na po tayo aasa sa madaling gawa, dahil ang tunay na pinag paguran ang masarap sa pakiram-dam hindi yong gagamit ng tao para lang sa pan sariling interest ng iba...

Marami parin ang sumusubok sa MLM goodluck nalang sa inyo. :)

By; Redentor Ganancial